Labels

Thursday, December 4, 2014

Long distance relationship

Dati sabi ko sa sarili ko ayoko na ng ldr (longdistancerelationship) kasi baka matulad noon. Na magkalabuan din kasi nga hindi nagkikita or nagkakasama. Pero ngayon alam ko tina-try ko/mo yung best para kayanin lahat ng problema na dumadating. 1 year tayo hindi magkikita. Alam ko sasabihin niyo na "sus, isang taon lang naman, uuwi ka din" OA man pakinggan pero para sa mga taong nasanay na magkasama araw-araw ay mahirap. 

Mahirap sa akin/kanya na magkalayo kasi nasanay kami na magkasama hindi man oras-oras pero kahit sa dami ng ginawa sa buong araw at the end of the day nakikita parin namin ang isa't-isa kaso kasi nagbago lahat yun nung umalis ako. Umalis ako para makasama yung mom ko.  

He understand naman kung bakit kailangan kong umalis. Hindi lang talaga maiwasan yung may times na makakalimutan mag-message/pm dahil sa dami ng ginagawa. At minsan nababawasan na yung oras para sa isa't-isa tapos mag-ooverthink yung isa sa inyo, may mga pagseselosan etc. Hanggang sa mag-aaway na lang palagi, sumbat dito sumbat doon. 

May mapapagod, may magsasawa. Yung tipong sa kakaaway niyo magpapalamig na muna kayo, ilang araw na di mag-uusap. Pero kapag kalmado na kayo parehas doon niyo marerealize yung mga bagay kung bakit pinili niyo mahalin ang isa't-isa. Dahil sa kabila man ng di niyo paguunawaan sa mga sumbatan at mga away, sa huli alam niyo sa sarili niyo na kahit ano mang mangyari hindi parin kayo bibitaw at susuko dahil mahal niyo ang isa't-isa.

No comments: