Labels

Tuesday, November 25, 2014

Hi baby,




This picture means a lot to us. Alam mo yan Hahaha. Hanggang ngayon di ko pa rin maisip na mamahalin kita/mamahalin mo ako ng ganito. Ni hindi nga natin ini-expect na magiging tayo. Almost 2years natin kilala ang isat-isa pero sa 2 taon na yun never tayo nagusap or naging friends. Tapos nung naging juniors tayo di ko rin ini-expect na mafafall ako sayo.

 Ikaw kasi eh, nakakainlove ka kapag nag-gigitara hahaha tapos lagi mo pa ko kinukulit. Tsaka kasi masaya lang tayo pag magkasama. Pansin mo by pag magkasama tayo bihira tayo magaway, pag nagkakalayo lang tayo nagaaway eh. Pano ba naman kasi pag magkasama tayo kung ano anong trip natin hahaha. Yung tipong isang tingin lang natin sa isa't-isa alam na this HAHAHA. 

Hay nako by, you drive me like crazy ❤️ Ewan ko ba sobra kitang mahal. Miss ko na yung hawakan yung mukha mo. Tapos kukurutin kita sa ilong tapos lagi mo namang mapapansin na nakanguso ako. Hays 😍 Miss na miss na miss na miss na miss na talaga kita buddy! Sana makauwi ako bday mo :( Yun lang wish ko sa pasko babe :( I love you baby ko! 😘😘 

I miss you so much..

Hi babe, nahihirapan na ako. Hindi sa relasyon natin kundi sa sitwasyon natin. Dahil magkalayo tayo. Gusto na kitang makita, ayoko na ng puro tayo phone. Kung alam mo lang kung gaano ko na kagusto makita at makasama ka. Ang hirap babe, tiis muna huh? Alam mo nalulungkot ako ngayon kasi saglit lang tayo nakapagusap. 

Alam mo gustong gusto kitang makausap ng matagal eh naiintindin ko naman kung bakit hindi pa pwede sa ngayon. Ang dami kong gustong malaman masabi or makwento sayo, kaso busy ka pa okay lang yun babe naiintindihan ko. Nalulungkot lang ako kasi sobrang miss na miss na talaga kita. 5 months pa b, magkikita at magkakasama din tayo uli. Hintayin mo ko ah? Mahal na mahal kita babe. Magiingat ka lagi diyan. iloveyousomuch b. 

-🐷🐼

Monday, November 24, 2014

Yung goodmorning texts/calls goodnight texts/calls bihira na lang. Naiintindihan ko naman siya kung bakit ganito muna pero nakakalungkot lang talaga. Dati pag masama or mabuti yung panaginip ko siya yung unang tao na pagkwekwentuhan ko, pero ngayon sarili ko na lang. Alam ko naman na nageeffort siya magkatime lang sakin/samin super appreciated ko nga yun eh, ang kaso lang namimiss ko na yung dating kami. Yung kami lang. 

Pero kaya ko naman magtiis eh. Hindi nga babae yung kaagaw ko sa kanya sa ibang bagay naman. Pero mas okay na rin yun kesa naman babae diba. Siguro namimiss ko lang talaga siya. Nahihiya ako sa kanya sa dami ng kasalanan ko sa kanya, pero still andyan pa din siya para sakin.

 Pag-uwi ko kaya babalik na uli sa dati lahat? Ang dami kong gusto ikwento at sabihin sa kanya kaso sayang oras eh minsan lang naman kasi kami matagal na magusap pero okay na yun atleast nagkakausap kami. Tiis lang talaga muna kami sa ganitong setup. Sana may na bukas para uuwi nako :(

Friday, November 21, 2014



The smile on my face doesn't mean I have a perfect life, it just means I'm happy because I know that you are the one that makes me smile each and everyday. I love you babe :* <3 

My BOYFRIEND-AGAIN

 Hi! Goodmorning. Pumunta sila mommy sa nagoya ngayon di na ako sumama kasi sabi mo uuwi ka ng maaga from work para makapagusap tayo ng matagal.. Nararamdaman ko ng bumabalik tayo sa dati. Sorry talaga sa mga pagkakamali ko ah. Pagpasensyahan mo pagiging praning ko, promise paguwi ako 1 wk sayo lang oras,atensyon,panahon ko sayo.. Diba paguwi ko magtravel tayo dalawa yung tipong off yung phone at di natin sila iniintindi. Miss na miss na talaga kita.

Thank you for choosing to be with me again. Kahit na ang may nireto sayo ako pa din pinili mo, ikaw lang din naman pipilin ko eh, kahit si dj pa yan haha. I love you so so much mahal. I know sasabihin nila na walang forever pero papatunayan nating meron. Kapit lang b, walang bibitaw, walang susuko. Ngayon na meron pa tayong isang chance gawin ang tama gagawin natin ang tama kasama si GOD. Magiging ka-love triangle na natin siya. I love you so much mahal! See you soon.

Thursday, November 20, 2014

Hi BOYFRIEND AGAIN

I will take this as a monthsarry gift from God. Thank you kasi pinili mo ng ipaintindi sakin kung bakit ikaw/tayo naging ganun. Sorry sa mga masasakit na salit na nabasa at narinig mo sakin. Sobrang nahihiya ako sayo akala ko ako yung kawawa satin akala ko hindi mo ako mahal kaya mo yun nagawa.. Mali ako, maling mali kasi ginawa mo yun dahil mahal mo ako. Thank you and Sorry sa lahat lahat. Simula ngayon, itatama ko na lahat ng mali ko. Mas magiging matatag ako para sa sarili ko na walang sinasandalan na iba. Hindi ako basta basta makikinig sa mga sinasabi/advices ng iba kasi sa relasyon natin tayo lang naman eh walang sila. Thank you kay Lord kasi binalik ka niya sakin. 

Tama nga sila, pero this time tama tong advice nila. Kasi siguro kaya binabawi satin ang isang bagay kasi para malaman natin kung anong halaga. Kaya siguro binigyan ako/tayo ni Lord ng ganitong problema kasi para matuto at magmatured tayo. Thank you talaga ah? Kasi hindi ka sumuko satin, kasi andyan ka pa rin para sakin. Sorry kung naging mahina ako sa pagtitiwala sayo. Sorry kung naging praning na girlfriend ako. Pero ngayon mas pure,complete and true na true na tong tiwala ko sayo at sa relasyon natin. I know hindi kaagad pero sinisigurado ko sayo na mas magiging mabuting partner na ako sayo.