Labels

Thursday, November 20, 2014

Hi BOYFRIEND AGAIN

I will take this as a monthsarry gift from God. Thank you kasi pinili mo ng ipaintindi sakin kung bakit ikaw/tayo naging ganun. Sorry sa mga masasakit na salit na nabasa at narinig mo sakin. Sobrang nahihiya ako sayo akala ko ako yung kawawa satin akala ko hindi mo ako mahal kaya mo yun nagawa.. Mali ako, maling mali kasi ginawa mo yun dahil mahal mo ako. Thank you and Sorry sa lahat lahat. Simula ngayon, itatama ko na lahat ng mali ko. Mas magiging matatag ako para sa sarili ko na walang sinasandalan na iba. Hindi ako basta basta makikinig sa mga sinasabi/advices ng iba kasi sa relasyon natin tayo lang naman eh walang sila. Thank you kay Lord kasi binalik ka niya sakin. 

Tama nga sila, pero this time tama tong advice nila. Kasi siguro kaya binabawi satin ang isang bagay kasi para malaman natin kung anong halaga. Kaya siguro binigyan ako/tayo ni Lord ng ganitong problema kasi para matuto at magmatured tayo. Thank you talaga ah? Kasi hindi ka sumuko satin, kasi andyan ka pa rin para sakin. Sorry kung naging mahina ako sa pagtitiwala sayo. Sorry kung naging praning na girlfriend ako. Pero ngayon mas pure,complete and true na true na tong tiwala ko sayo at sa relasyon natin. I know hindi kaagad pero sinisigurado ko sayo na mas magiging mabuting partner na ako sayo.