Labels

Monday, November 24, 2014

Yung goodmorning texts/calls goodnight texts/calls bihira na lang. Naiintindihan ko naman siya kung bakit ganito muna pero nakakalungkot lang talaga. Dati pag masama or mabuti yung panaginip ko siya yung unang tao na pagkwekwentuhan ko, pero ngayon sarili ko na lang. Alam ko naman na nageeffort siya magkatime lang sakin/samin super appreciated ko nga yun eh, ang kaso lang namimiss ko na yung dating kami. Yung kami lang. 

Pero kaya ko naman magtiis eh. Hindi nga babae yung kaagaw ko sa kanya sa ibang bagay naman. Pero mas okay na rin yun kesa naman babae diba. Siguro namimiss ko lang talaga siya. Nahihiya ako sa kanya sa dami ng kasalanan ko sa kanya, pero still andyan pa din siya para sakin.

 Pag-uwi ko kaya babalik na uli sa dati lahat? Ang dami kong gusto ikwento at sabihin sa kanya kaso sayang oras eh minsan lang naman kasi kami matagal na magusap pero okay na yun atleast nagkakausap kami. Tiis lang talaga muna kami sa ganitong setup. Sana may na bukas para uuwi nako :(